Thu, 24 Apr 2008 10:52:43 GMT - Morning View at KL

LP 04: Hugis ay pahaba

Nagkasakit ako simula nung Sabado at hindi maganda ang panahon dahil sa palaging umuulan sa kahit anong oras nang araw.   Kaya hindi ako masyadong nakapag-ikot para kumuha ng bagong litrato para sa lingguhang temang ito.  Subalit meron akong mga nakatagong litrato na kuha ko naman nang mga ilang linggo na nakakaraan.

Eto ang kuha ko sa labas nang apartment namin dito sa Malaysia.  Nasa dalawampu't dalawang palapag kami at kita ang landscape ng Kuala Lumpur mula dito.  Palagi nga lang may ulap na hamog at parang tahimik at matiwasay ang buong siyudad.  Sa gawing kaliwa ng litrato ang nakatayong KL Tower at Petronas Twin Towers na pahabang mga gusali.

Magandang Huwebes!