LP 05: Malungkot
Hindi ako masyadong kumukuha ng mga malulungkot na mga litrato maliban na kung kinakailangan. Sa linggong ito, wala akong bagong litratong nakuha. Pero naalala ko yung una kong pagsama sa isang "eyeball" ng mga kapwang litratista sa Manila.
Mahigit isang taon na akong may DSLR nun at hindi pa ko nakapag-"street photography". Isang tema na palaging kinukunan ng mga photojournalist eh yung mga kuhang malulungkot or paghihirap ng tao dahil merong mabigat na damdamin ang litrato. May dating...pero sa akin, masyadong mahirap. Sa buhay sa Pilipinas, masyado na ngang mahirap makahanap ng kasiyahan, tapos palagi pang kinukunan ng mga litratista ang kalungkutan.
Naisip ko na lang na palagi akong kukuha ng litrato na masaya. Ang buhay - palaging may dalawang magkasalungat na bagay. Kung may kalungkutan, may kasiyahan. Mas makulay ang buhay litratista pag ang nakikita sa camera ay ngiti at kasiyahan.
 |